Klem
Klem lit a candle in memory of LUIS LORICA

Birth date: Dec 5, 1954 Death date: Apr 30, 2024
Luis Glindro Lorica, known affectionately as "Kano" from his hometown, Amontay, Pitogo, Quezon, “Louie" to friends and family, and "Papa" to his wife, children, and grandchildren, passed away on April 30, 2024, in Washington Hospi Read Obituary
Klem lit a candle in memory of LUIS LORICA
Aakalain mong simpleng tao pero pag kilala mo, ndi mo maiidikit ang salitang simple sa tatay namin
On one of the many very intimate conversations with the kids.... if u know u know.... he was a living Equalizer
Ka nong bunso ko "he's the kinda friend
I wish I would have on my side bc I know he's got my back at all cost laws be damned"
Ibaiba kami ng hanash pero one thing is for sure. Minahal, mahal, at patuloy kaming mamahalin ng ama namin ng lubos hagang sa kabilang buhay sa paraang kailanman ndi kukupas, walang tawad, at hindi na mahihigitan pa.
May forever talaga
Ubod kami ng palad kasi sila ang magulang na ipinagkaloob samin. Magulang na naglaan ng lahat ng kakayanan. Babanatin pati yung hindi na sakop pa ng kakayahan nila , inabigay pa din ng walang humpay! Dulot ng wagas na pagmamahal na hindi mahahadlangan ng panahon at anumang pagkakataon.
With the amount of impact of so much love they have for all of us, it can't be helped but be far extended to all of our kids who may have a complete different languages but share the gift of undeniable love that any child could ask for.
As for us, we can't ask for more. Only time, but the Lord knows better and have other plans.
We have the cloud of lost hovering over us currently pouring immense pain and we're grieving in our individual ways but we also carry the unique strength we've inherited from papa and mama and we have each other and I'll forever be very proud of that.
Un lang ang mahalaga sa akin.
Lam ng erpat ko ang buong laman ng puso ko. La akong ndi naisiwalat sa kanya. Lam kong mahihimlay siang panatag ang loob kasi nahubog nia akong sapat. Lam ko ding hihigit pa ang paggabay nia lalona't ngayong ndi na sia napapailaliman ng samu'tsaring umaapaw na karamdamang ipinakyaw ng Dios para sa kanya.
Wala na pong inda papa. Kalma na laang po.
Yurak na yurak man kami ngayon sa pighati, ang mahalaga lang, maginhawa napo kayo. Tapos na laban. La na pong alalahanin, wag nio pansinin ung pagdadalmahati namin, mahahanap din nmin ang kaalwanan. Keri laang po pa.
Utang na loob kong nakunan ito ng sister in law ko na si Chielo Antazo
May mga tatay na tumalikod sa pagka-ama
May mga batang walang pagkilala sa magulang
Habang kami, sa kabila ng mga makamundong kaliwat kanang kasalanan, mga pagkukulang, at kahinaan naming maguutol ay patuloy pinanghawakan ng tatay namin.
Namayak, nagrangaya, bitbit kami ng daloy ng buhay sa ibatibang katayuan subalit ang ndi ni minsan nabago ay yung pagkakaron namin ng tatay na ndi kami kinayang bitawan kahit isang saglit. Mulat simula hangang hantungan, kami ang palaging pinili.
Nabigyan sia ng pagkakataon na ipamigay kming kambal Ate Nini nang mabyudo sia sa murang edad, sa dami ng nagsialok, hindi kami ipinampon
Hindi naman lingid sa kaalaman ng tao pero likas na buhay ng pulis ang buhay binata na pwede niang piliing pamumuhay, bagkos sumampa sa eroplano patungo sa banyagang lupa kasi kami pinili
Sa kabila ng maaga kong kahangalan bilang batang ina, pdeng nia na akong pinabayaan pero pinaraanan niang mahadlangan akong mapariwa dahil pinili nia akong makapiling
Kalibre ni papa ay Laban kung laban, Gapang kung gapang. Walang sinuman nakahadlang, anuman balakid, saanman harang ang makakapigil sa ama naming mahalin kami.
Nung nalugatan na ng hingina 😭😭😭😭😭....
Sa kinikilala kong Dios🙏🏿🙏🏼🙏🙏🏼🙏🏾.....
Lalo pa Niang paiigtitiin na maramdam namin pagmamahal ni papa habang buhay 🖤🤍❤️💛💙