Chapel Of The Chimes Hayward
Happy mothers day!!!!!!!!!##imported-begin##kat##imported-end##
Birth date: Dec 23, 1928 Death date: Feb 12, 2011
Happy mothers day!!!!!!!!!##imported-begin##kat##imported-end##
Nanay bakit nag abroad ka na agad.sabi mu nung huling nag chat tayo hindi ka na mag abroad?iniisip ku bago ako matulog na bakit abroad ang nasabi mo samantala nasa states ka na .ngayon alam ko na na hindi kana makakabalik dyan sa states at mawawala ka na pala.Na alala ko ng sinasamahan kita mag ayos ng police clearance sa manila at lagi mong sinasabi sa akin na magkikita din tayo sa states pag dating ng panahon.nakakalungkot talaga ang pagpanaw ninyo at nawalan na kami ng mabait at hindi marunong magalit na nanay.kayo ang the best na nanay sa boung mundo.I Love you Nanay!##imported-begin##Mario Crisostomo##imported-end##
Lola, Mamimiss kita. Sayang hindi mo na kami nahintay nasabi ko pa naman na pagdating namin dyan mamamasyal tayo, sasamahan at babantayan ka namin. Biglaan talaga pagkawala mo hindi ko aakalain na mawawala ka na agad kasi tuwing nakikita kita malakas ka pa masaya tsaka puno ng hope sabi mo pa lumalakas loob mo sa tuwing nakakatanggap ka ng mga sulat sa aming lahat.. Naalala ko pa yung last na chat natin gusto mo pa ipakita yung nilagay na access device sayo tapos malakas ka pa nakakatuwa kasi nakakapaglakad lakad ka pa tapos nakakapagchat ka pa kaw nga si “Lola Techie” kasi mas marunong ka pa kina mama sa computer. Mamimiss talga kita di man lang tayo naging close talaga pero ramdam ko pa rin yung pagmamahal mo at care sa amin, sa mga anak mo, sa lahat.. nakakabilib ka nga lola kasi naiayos mo lahat bago ka nawala parang alam mo na agad na ganyan.. Puro masasayang memories naiwan mo lola lahat natutulungan mo kilala mo man o hindi. Palagi kita pagpapray. I Love you lola..##imported-begin##Mary Louise Crisostomo##imported-end##
Dear lola,Syang lola hindi kami nakapunta agad dyan, sana nung bago magpasko nakapunta agad kami para makapasyal din dyan kasama ka, kaso lang wala na.Miss ka na namin at sana nakachat ka pa namin.Naalala ko pa nga nung umuwi ka dito nung bata pa kami ni dave at nasa pampanga tayo, matagal na rin yun at saka nung sinasamahan ka namin sa manila kasi nagaayos ka ng papeles mo, pero buti na lang at nakapunta ka rin dyan sa states at naenjoy mo rin kahit si tita mines lang kasama mo at least naging masaya ka.Kala pa ko pa nga lola makakapagpasyal pa tayo dyan sa california, gagawan pa sana kita ng jibjab para mapanood mo, kaso nagulat din kami kasi biglang umiyak si mama tapos yun na pala ,napaaga. Matanda ka na rin lola pero nakakachat ka pa rin namin. Siguro lola masaya ka na rin dyan at kasama mo na si lolo, wala na rin kayo sakit at problema.Thank you din pala lola sa pinadala mo sa akin, namimiss ka na namin. SIge lola at pray kami palagi para sayo, babay. We love you.##imported-begin##MArvin Crisostomo##imported-end##
Dear Lola,Sayang lola hindi ka nakaabot nang valentines day at hindi mo rin kami nahintay dyan california.Na mimiss ka namin palagi naaalala ko nung nandito ka pa pilipinas kasama mo si Tita Mines.Palagi kanaming pinag dadasal.Sayang talaga hindi namin naabutan ikaw ang tagal kasi nang visa.Kung nandiyan nakami palagi kang masaya at palagi ka naming sasamahan at kakain tayo palagi.Mag papadala sana kami nang valentines card para sa inyo kasolang hindi niyo naabutan.Masaya nga rin kami noon eh kasi matanda kana nakachat kaparin lahit wala si tita mines.Naalala ko rin yung pag nag cocomputer ako mga 1:30 bigla kang mag chachat saakin at tinatanong mo kung nandito si mama ngayon wala na.Thank you rin sa mga pinadala mo saamin kahit mga sausage lang ok na yun kasi para may makakain kami.sige lola sana magin masaya ka parin at palagi kanaming dadasalan.Babay.We Love You..##imported-begin##Dave Crisostomo##imported-end##
I miss you, Lola. Naalala ko nung bumisita ako dyan sa CA at nanood tayo ng tagalog movies dyan sa bahay. At nung pumunta tayo sa grocery store at binilhan mo ako ng snacks. At kahit wala konti na lang pera ninyo gusto pa rin ninyo magbigay sa akin basta may pambili tayo ng pagkain. At nung gumala gala tayong dalawa habang nasa work si tita mines. Tapos nagkukwentuhan tayo habang kumakain ng chicharon. Tapos pag naguusap tayo, shinashake mo palagi head mo at feeling ko naiintindihan nyo talaga yung sinasabi ko. PAg tinitingnan ko kayo yung mata ninyo medyo brown na may sparkle parang palagi kayong naluluha. At pag pinapakilala ninyo ako sa mga kakilala ninyo proud na proud kayo sa akin. Iba talaga pag may Lola, kahit malayo tayo sa isa’t-sa, kahit madalang lang tayo magusap, alam ko may Lola pa rin ako na nagmamahal at nagcacare sa akin. Si Lola masyadong mapagbigay, simple lang ang buhay niya, palagi siyang nagdadasal at may bible sa tabi niya, at palagi niyang iniisip yung mga anak, apo at mga kamaganak niya. Pero bakit ang bilis mo nagpaalam Lola, hindi pa tayo tapos sa usapan natin nung isang gabi. I LOVE YOU, LOLA!##imported-begin##Katrina##imported-end##